Tazkiyah Purification Of The Soul Filipino
MWK Source: Internet Archive · tps_20190730
Extrait du livre
Les premières pages du texte. Ouvrez le livre ci-dessus pour le lire en entier.
Pagpapadalisay
sa Sarili
Ang pagpapadalisay (Tazkiyah) ay sumasaklaw sa
ilang mga katuruang Islamiko: pagpapadalisay sa sarili
mula sa mga tukso ng sarili at ng Satanas; paglayo
mula sa mga negatibong reaksiyon kapag dinatnan
ng hindi magandang karanasan na dulot ng iba; at
pananatiling lumalaban sa mga tukso na nagdudulot
sa tao na lumihis mula sa tuwid na landas at iba pa.
Ang Tazkiyah ay literal na nangangahulugang paglago,
isang halimbawa nito ay makikita natin sa isang
puno. Ang puno ay isang resulta ng paglaki mula sa
isang buto. Kapag ang buto ay nakatagpo ng tamang
kapaligiran ay nagsisimula itong lumaki hanggang sa
ito ay maging berde at madahon na puno. Ang ganito
ay totoo rin sa pagpapadalisay ng tao. Sa kahulugang
ito, ang Tazkiyah ay nagpapahiwatig ng pagkahubog
na intelektuwal.
Ang tao ay nilikha ng Diyos na may matuwid na
kalikasan. Ngunit nangyayari na magkakaroon
ito ng ibat ibang mga kahinaan at mga tukso na
nagpapadilim sa matuwid na kalikasan nito. Ang tao
ay marapat na gumawa ng mga matatag na pagsisikap
upang mailayo ang kanyang sarili mula sa mga ito.
Ang trabaho ng Propeta ay ipabatid sa mga tao ang
prinsipyo na ito ng pagpapadalisay na magtutulak sa
kanila tungo sa pagkakamit nito.
Ang Kahalagahan ng
Pagpapadalisay
Ayon sa ika-20 kabanata ng Quran, ang Paraiso ay para
sa nagpadalisay sa kanyang kaluluwa. Ang desisyon
tungkol sa kung sinong tao ang papasok sa Paraiso
ay nakabatay sa indibidwal na kagalingan kaysa sa
personal na pag-anib sa anumang pamayanan o grupo.
Kaya, ang Paraiso ay para lamang sa mga tao na
nagpapadalisay ng kanilang sarili. Ang pagpapadalisay
ay nangangahulugang pag-iwan sa buhay ng
kamangmangan at kasamaan na nagtutulak tungo sa
buhay na pinamamayanihan ng konsensiya.
Ang tazkiyah ay nangangahulugang pagdadalisay ng
tao mula sa mga hindi kanais-nais na elemento na
magdudulot na siya ay hindi darating sa punto ng
pagiging ganap sa isang mainam na kapaligiran. Ito ay
napakahalagang trabaho na ibinigay sa mga propeta.
Sa kasalukuyang panahon ng siyentipikong pag-iisip,
mahalaga na mangusap sa mga tao sa paraan na
kakausap sa kanilang mga isip. Ang pinanggagalingan
ng Tazkiyah sa kasalukuyang panahon ay katulad
lamang noong sinaunang panahon. Ngunit mayroong
pinagkaiba sa pagsasagawa ng dalawa – kung paano ito
ipinapahayag. Sa sinaunang panahon, ang tradisyunal
na istilo ay mas epektibo para sa mga tao sa panahon
na yaon ngunit sa kasalukuyang panahon, para sa
epektibong pagpapadalisay, mahalaga ang pagbabago
ng pamamaraan ng pagpapahayag. Sa ganitong paraan
lamang ay magiging posible para sa makabagong tao
na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapadalisay at
ang pagsasagawa nito sa kanyang buhay.
Ang tradisyunal na istilo ay nakasalalay sa autoridad
at retorika, ito ay nakatuon sa damdamin at
hindi nakabukas sa pagtatanong dahil ang mga
tagapagtanghal ay sanay na sila ay tinatanggap. Ang
makabagong istilo ay nakasalalay sa mga impormasyon
at lohika, na nagbibigay ng tamang pagsangguni sa
Quran at Hadith, ito ay gumagamit ng malinaw at
madaling maunawaang wika.
Halimbawa, sa sinaunang panahon, ang salitang
pagpapadalisay o reporma sa sarili ay ginagamit. Ang
tradisyunal na isip ay magpapahalaga sa kagandahan
at kahulugan ng mga salitang ito. Ang makabagong
tao ay makakaunawa sa katotohanang ito nang
mas mainam kung babaguhin natin ang mga salita.
Kailangan nating ipaliwanag kung paanong ang tao ay
naiimpluwensiyahan ng mga namamayagpag na mga
paniniwala. Halimbawa, ang isang tao ay maaaring
makundisyon na maniwala na kung walang panloloko
ay hindi magtatagumpay ang sinuman sa negosyo. Ang
makabagong tao ay makakaunawa na para sa layunin
ng pagbabago sa tao, ay mahalaga na maalis ang mga
impluwensiyang ito at mapagpanibagong-muli ang
kanyang isip upang siya ay magkaroon ng kakayanan
na makakita sa katotohanan kung ano ito mismo na
dahil dito, siya ay magkakaroon ng tumpak na mga
opinyon.
Ang Tazkiyah at ang
Pagpapaunlad na
Pansarili
Ang Pagpapaunlad na pansarili ay naging isang
larangan ng interes para sa makabagong tao. Ang
Tazkiyah ay isang Islamikong pamamaraan ng
paghuhubog sa sarili, na nagmula pa sa Propeta
mismo.
Ang Tazkiyan ay nagpapahintulot sa tao na makarating
sa pinakamataas na antas ng kanyang kakayanan sa
pamamagitan ng pag-aalis ng mga balakid sa kanyang
landas ng pag-unlad. Ang mga negatibong emosyon
tulad ng pagmamalaki, inggit, pagpapakitang tao at
mga maling pagkilos tulad ng panloloko, panlilibak,
paninirang-puri at iba pa ay pumipigil sa tao na
makamit ang pinakamataas na antas ng kanyang
husay. Mahalaga na ang mga negatibong damdamin
na ito ay mapigil at makontrol.
Ang mga nanampalataya ay magiging mahusay sa
landas ng pagpapaunlad na pansarili sa pamamagitan
ng pagsunod sa landas ng Propeta at sa hindi
pagkuha ng iba pang pamamaraan na may limitadong
pakinabang o maaaring magdulot ng kalituhan at
pagkataranta na pinakamasamang epekto nito.
Ang pagpapaunlad na pansarili ay nag-aalok sa
tao ng maraming pakinabang tulad ng kapayapaan
at kapanatagan, payapang kapaligiran sa tahanan,
pagkakuntento sa trabaho, maayos na relasyon sa mga
kapitbahay at iba pa.
Mga Paraan upang
Mapalapit sa
Diyos
Ang tao ay ang nilikha at ang Diyos ang Tagapaglikha.
Dahil dito, natural lamang na siya ay magpalapit sa
Diyos sa abot ng kanyang makakaya. Sa pamamagitan
ng ibat ibang mga bagay tulad ng pagmamalaki,
negatibong pag-iisip at iba pa lahat ng ito ay
naghihiwalay sa tao mula sa Diyos. Ang pagpapadalisay
ay naghahangad sa tuluyang pagpapadalisay sa tao
mula sa mga negatibong damdamin. Sa mismong
panahon na ihihiwalay ng tao ang kanyang sarili
mula sa anumang bagay liban pa sa Diyos, siya ay
makakaramdam agad na siya ay naging malapit sa
kanyang Tagapaglikha sa abot ng kung ano ang posible
para sa tao. Ang taong ito ay nakakaranas ng pag-iral
ng Diyos sa kanyang paligid.
Ang antas ng pagiging malapit ng tao sa Diyos ay
nakasalalay sa antas ng personal na pagkakatanto ng tao
sa Diyos. Halimbawa, lahat ay may pangangailangan
sa napakaraming mga bagay sa mundong ito upang
mabuhay. Mayroong nagbiyaya sa kanila nito at
walang duda na ang Diyos ang Tagapagbiyayang
ito. Ang Dakilang Diyos na Siyang natatanging
Tagapagbigay. Walang duda na dahil sa walang
kundisyon na pagbibigay ng Diyos ay kaya ng tao
na umiral sa mundong ito. Kaya – kahit sa isang
sandali lamang – kung ang kadena ng mga biyaya ay
mapuputol, ang tao ay hindi magagawang tustusan
mag-isa ang kanyang sarili.
Tazkiyah o
Pagpapadalisay
ng Kaluluwa
Paano Magkakamit ng
Tazkiyah?
May mga bagay na likas na nakikilala na pamamaraan
ng pagkakamit ng pagdadalisay sa sarili tulad
ng mga boluntaryong pagdarasal, pagbabasa ng
Quran, pananalangin para sa Propeta Muhammad,
pagmumuni-muni, pagsama sa matutuwid, pag-
aral ng buhay ng mga matuwid na mga Muslim at
iba pa. Ayon sa pag-iisip na ito, ang pagdadalisay
sa sarili ay tulad ng isang kurso o isang bagay na
dapat na matutunan mula sa isang manual. Pero, ang
katotohanan ay walang tiyak na kurso sa pagkakamit
ng tazkiyah. Ang tazkiyah ay maaaring makamit sa
pamamagitan lamang ng pagsasabuhay nito. Ang
tunay na paraan ng pagkakamit ng tazkiyah ay ang
pagmumuni-muni ng tao sa mga tanda ni Allah,
gawing aktibo ang kanyang pag-iisip, at sa patuloy na
pagmumuni-muni o pag-iisp ay matutuklasan niya
ang malalim na katotohanan ng mga bagay-bagay.
Ang pagtuklas na ito ay ispiritwal na pagkain para sa
tao na naghahangad ng tazkiyan. Halimbawa, ikaw
ay nakakita ng ibon. Ito ang nagpapapaalala sa iyo sa
sinabi ng Propeta na ang puso ng mga mananahan sa
Paraiso ay tulad ng puso ng ibon.
Ikaw ay makakaisip din na kung ang puso mo ay tulad
man ng ibon o hindi; at kung ang puso mo ay malaya
mula sa negatibong damdamin tulad ng ibon; o kung
ikaw ay malaya mula sa kasakiman tulad ng ibon; o
kung ikaw ay hindi nakakapaminsala tulad ng ibon; o
kung ikaw ay sumusunod sa batas ng kalikasan tulad
ng ibon. Ang mga pag-iisip na ito ay ang diwa ng
tazkiyah. Kung walang pagsisiyasat sa sarili na tulad
nito, walang magkakamit ng tazkiyah.
Commentaires
Aucun commentaire pour l'instant. Soyez le premier à partager une réflexion utile.
À voir aussi
Purification Of Soul
islamicmedia.tv
4 views · 5 months ago
Les répercussions de l’islam sur la purification des âmes
islamicmedia.tv
7 views · 5 months ago
Rules of Purification and Prayers
islamicmedia.tv
6 views · 5 months ago
Las normas de la ofrenda animal, Udjiah y la Tazkiyah (sacrificio ritual)
islamicmedia.tv
2 views · 5 months ago
Purity and Purification
islamicmedia.tv
4 views · 5 months ago
The Virtues and Etiquettes of the Prophet's Mosque and the Rulings of Visiting the Grave of the Prop
islamicmedia.tv
2 views · 6 days ago
Hisn Al-Muslim (Fortress of the Muslim) Supplications from the Qur’an and Sunnah
islamicmedia.tv
5 views · 1 month ago
Errors in Aqeedah, with Selected Fatwas
islamicmedia.tv
5 views · 1 month ago
50 Tweets about Oneness of God
islamicmedia.tv
6 views · 1 month ago
100 Tweets about Prophet Muhammad (PBUH)
islamicmedia.tv
5 views · 1 month ago